Pricey Tags

my new babies bought by ER
a new set of Laneige for Me and for ER
new generations of ePERFORMAXers
Dine - In and watch the movie

Nakakaloka na magpunta sa mall now a days. Bakit kanyo, aba'y napakamahal na ng bilihin. Well, any way.. kwento ko na lang ang mga pangyayari ng mag-mall kami last friday. After a long and tiring week at the office, naisipan naming mag-mall naman since matagal na din nong huling punta namin ng mall (hehehehe, actually last thursday lang pala nasa Glorietta kami). This time, I suggest to Hubbie na sa Trinoma naman kami mag-mall to watch Cars 2 at para bumili na rin ng bagong set of Facial Foam sa Laneige. On our way to the cinema, Hub surprise me with this lovely Cars 2 toys. I've been looking for this for almost 2 months. I've seen some of them at ToyKingdom and ToysRus but is quit pricey for just one piece. Buti na lang pala hindi ako bumili. (^^,) I only want Luigi and Guido but there are 5 extras  on the package, I'm sorry I don't know their character names. Maybe on my next post. Pricey din ang Laneige, take note 3 palang ang branches nila dito sa Philippines. I'll give you more details sa separate post ko regarding Laneige. We check the Cinema and unfortunately, we found out that the cinema ticket are pricey too, hayst...wala na bang mura ngayon. So we decided to watch the said movie in MegaMall. ER is working in this BPO which is the ePERFORMAX... and we found their booth in Trinoma and took a photo of it. (hehehehe, nainis sa akin si Hubbie) Pagdating sa MegaMall, punta agad kami sa Cinema to buy for ticket. Nagulat kami ni ER, kase ung price ng ticket 250php!
ER: What?! 250 para sa isang ticket?
Del: Yaan mo na, mas mura kesa sa 400 pesos sa Trinoma. Saka baka 2D lang to.
ER: Sabagay, at saka ayoko talaga ng may salamin. (Referring to the 3D eye glasses)
Del: Sige bili na tayo. (Sabik na mapanood ang Cars 2 kahit mahal)
Pagdating sa counter:
Del: Ms. Cars 2, dalawa. (^^,)
ER: Kala ko ba 250 isa, bakit 600 na ang total?
Cashier: 250 nga po isa, may tig-isa po kayong Free pop corn.
ER: Free pop corn? San na punta ung 50 pesos namin?
Cashier: Sa pop corn po.
ER: Kung ganun, hindi free ang pop corn. Pano kung ndi namin kukunin ung pop corn?
Cashier: Kasama po talaga sya sa binayaran nyo. Avail nyo na lang po sa pop corn counter later. (Sabay abot sa ticket namin)
Del: Hub, lika na gutom na ko. Dinner muna tayo bago manood ng sine. (Mukhang mapapa-away na kase sya ng dahil sa pop corn)
Went to KarateKID for Dinner at habang kumakain kami nag-iisip pa rin sya sa free POP CORN pero may bayad na 50 pesos. :( At last, napanood din ang CARS 2 at kahit masama ang loob sa 50 pesos na Pop Corn, inubos nya rin. (hehehehe) Sa susunod, piling-pili na talaga ang panonoorin sa sine.

Comments

Popular Posts