buhay sa bukid
May kuryente pero walang signal ang telepono, ibig sabihin wala ding internet connection. Wala ring tv para mapanooran. Wala mapaglibangan kundi ang camera ko. Muli ko binalikan ang mga lugar na madalas kong tambayan noon. Napansin nyo ba yong maliit na bahay? Nabanggit ko sa nakaraang blog ko na wala kaming sariling bahay. Totoo po yon, nangungupahan lang po kami sa bayan. Malaki ang lupa namin sa bukid at na pabayaan na din ang bahay namin kaya muli itong ginawa. Ang malaking bahay naman sa isang larawan ay ang sinaunang bahay ng lolo ko sa tuhod. Medyo, hindi na rin kagandahan dahil wala na ring nagmimintina nito. Sa aking paglalakad, na pansin ko ang kalsada na tila lumiit na rin. Ang ilog na dati'y na paglalabahan ay nakatihan na din. Ang balon na pinagmumulan ng aming tubig ay marami ng tubong nakakabit para masuplayan ang iba naming kanayon sa Aplaya at Ilaya. Dumami ang mga punong namumunga,pero wala na ang paborito kong puno ng mangga sa harap ng bahay namin. Tunay na masarap mamuhay sa bukid. Hindi ka magugutom basta marunong ka lang magtanim at mag-alaga ng hayop. Pangingisda at pagko-copra ang pangunahing pinagkukunan ng kita sa amin. Medyo mahirap ang buhay pero masaya namang mamuhay sa bukid. Sariwa ang pagkain, malamig ang simoy ng hangin yun nga lang medyo mahirap ang biyahe papunta sa bayan. Humigit kumulang isang oras ang biyahe kasama na ang hindi magandang daan. Simula ng umuwi ako, muli kong naalala ang mga pangarap ko kung sakaling manatili na ako sa probinsya. Isang malawak na flower farm. May maliit na tindahan. Isang sasakyan para sa delivery ng aking mga kalakal. Maliit na bahay, ngunit kompleto sa pang-araw-araw na gamit lalo na sa kusina. Sana manalo ako sa lotto, para matupad ko na ang pangarap ko. Hay, sarap mangarap. (^^,
Comments
Post a Comment