Luma at Sira-Sira
Isang buwan mula ng umuwi ako para sa kaarawan ng lola ko. Ngaun ko lang nasimulang magsulat ulit para sa aking blog. Isang dekada na ang lumipas. Marami ng nagbago sa lugar na kinalakihan ko. Ang unang larawan sa itaas, doon ako nagtapos ng high school. Simula sa bahay nilalakad lang namin ang pagpasok sa eskwela. Dalawang daan ang pagpipilian namin, isa sa ibaba (sa dagat - kung hibas o low tide) at pangalawa sa itaas (sa bundok - lakad takbo ang gagawin mo para hindi ka mahuli sa klase. Noon, ang tabing dagat na ito ay malinis at malawak. Ngayon, tila isa itong kandila na malapit ng maupos. Unti-unting nauubos ang daan dahil nadadala ng tubig dagat lalo na kapag ta-ib (high tide). Ganun din ang kalsada papunta sa bundok, pag umuulan ay nasa gitna ng kalsada ang kanal. Hay, sana may gawin ang lokal na pamahalaan ukol dito.
Comments
Post a Comment