Ang pagbabalik sa lupang sinilangan.
Makalipas ang kulang pitong buwan mula nong umuwi ako sa Marinduque hindi pa rin nakakasawang tingnan ang berdeng bundok at nangangasul-berdeng karagatan. Kahit mahaba ang biyahe mula sa Maynila ay nakakatanggal ng pagod ang sariwang simoy ng hangin. Hindi kelan man nakakasawang umuwi ng probinsya lalo na kung may pera at may okasyon. (^^,) Birthday ni Nay Lita (ang aking abuela) kahapon at magtatampo yun kung hindi ako uuwi, kaya naman kahit pagod sa trabaho kahapon ay sinikap kong umuwi. Hindi masyado maganda ang panahon ng dumaong ang barkong sinasakyan ko sa tampalan ng Balanacan. Makulimlim at tila kakatapos lang ng ulan. Sana maganda ang panahon sa mga susunod na araw.
Comments
Post a Comment